Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Paliwanag ng DSWD Bicol Regional Office, ang pamamahagi ng cash aid ay bahagi ng emergency cash transfer (ECT) program ng ahensya.

Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bigyan ng financial assistance ang mga pamilyang nasa labas at loob ng evacuation areas sa Albay. 

Ang pamamahagi ng ayuda ay mula Hulyo 14-16, ayon kay Bicol Regional Director Norman Laurio.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

"Among the beneficiaries of the ECT are the 5,770 families in various Mayon-affected areas that include the municipalities of Ligao, Guinobatan, Daraga, Camalig, Santo Domingo, and Malilipot as well as the City of Tabaco," ayon sa opisyal. 

“Each Mayon-affected family will receive P12,330 as financial aid under the DSWD’s ECT program,” sabi pa ni Laurio.