Nanawagan na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga nagmomotorsiklo na iwasan nang magkumpulan sa ilalim ng tulay o footbridge kapag umuulan.

Metro

MPD, nag-deploy ng 250 pulis para sa First Friday Mass ng Quiapo Church

Sa social media post ng MMDA, binanggit na mapanganib ang biglang paghinto sa lansangan dahil posibleng mabangga ng ibang motorista.

"Paulit-ulit po namin pakiusap sa mga motorcycle rider na kapag umuulan ay iwasang magkumpulan sa ilalim ng mga tulay at footbridges dahil maaari itong maging sanhi ng aksidente," pahayag ng MMDA.

Nitong Martes, na-monitor ng MMDA sa kanilang closed-circuit television (CCTV) camera ang ilang nagmomotorsiklo na nasa gitna pa ng kalsada habang nakasilong sa ilalim ng tulay sa gitna ng malakas na pag-ulan.

Ilang netizen naman ang nagmungkahi sa MMDA na patawan ng mabigat na multa ang mga rider upang hindi na umulit.