Iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang insidente ng pagkalat ng langis sa karagatang nasasakupan ng Barangay Benit, San Ricardo, Southern Leyte kamakailan.

Sa social media post ng PCG, isinagawa na ng Marine Environmental Protection Group-Southern Leyte ang water mixture sampling sa dalawang barkong LCT Georgia-1 at MV San Ric Ferry 20 upang madetermina kung saan nagmula ang nasabing tumagas na langis.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nauna nang naiulat ng Coast Guard na ini-report sa kanila ng kapitan ng LCT Georgia-1 na si Dioel Ganuhay, ang namataan nilang kumalat na langis 13 minuto matapos silang dumaong sa Port of Benit nitong Hulyo 7 ng umaga.

Nasa 500 metro ang layo ng nasabing barko sa namataang kumalat na langis., ayon sa PCG.

Dahil sa insidente, naglunsad ng clean-up operations ang Coast Guard, mga tauhan ng munisipyo at mga residente kung saan aabot na sa limang sako ng oil debris ang nakolekta sa tabing-dagat ng Brgy. Benit.