Umarangkada na ang ika-74 World News Media Congress nitong Miyerkules, Hunyo 28 sa Taipei, Taiwan.
Pinagsama-sama ng tatlong araw na kaganapang ito ang higit sa 900 news media leaders mula sa 58 na bansa kung saan sila ay makikipagtalastasan hinggil sa karaniwang hamon sa news media dahil sa “pagbabago ng mundo,” pagbabahagi ng ideya at solusyon.
Sa unang araw ng media congress, inumpisahan ng ilang mga media leaders ang pagtalakay sa implikasyon ng “artificial intelligence” at iba pang “advanced technologies” hinggil sa pagdaloy ng mahahalaga at totoong impormasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Kabilang sa mga nanguna ay sina Tsai Ing-wen, Taiwan leader; Duncan Wong, Chairman ng United Daily News Taiwan; Fernando de Yarza, Presidente ng WAN-IFRA; at Maria Ressa, CEO ng Rappler at 2021 Nobel Peace Winner.
Magtatapos ang media congress sa Hunyo 30.
Ang World News Media Congress ay isa sa mga mahahalagang taunang pagsasama-sama ng mga news media leaders mula pa noong 1948. Ito ay inorganisa ng World Association of News Publishers (WAN-IFRA).