Nakalabas na ng bansa ang bagyong Betty nitong Huwebes ng hapon.

Ito ang isinapubliko ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Hunyo 1, dakong 5:00 ng hapon.

Huling namataan ang bagyo 570 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes habang kumikilos pa-hilaga-hilagang silangan sa bilis na 15 kilometers per hour (kph) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Napanatili pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging 95 kph at bugso na aabot sa 115 kph.

Dakong 2:00 ng madaling araw ng Hunyo 2, posibleng manatili ang bagyo sa labas ng PAR o 880 kilometro hilagang silangan ng dulong Northern Luzon.

Tinanggal na rin ng PAGASA ang warning signal sa Batanes.

Idinagdag pa ng ahensya na posibleng humagupit ang bagyo sa Okinawa Island sa Japan ngayong Huwebes ng gabi o Biyernes ng madaling araw.