Pinasinungalingan ni Vice President Cornerstone Management Jeff Vadillo ang pahayag ng isa umanong composer na tila pag-atake raw sa integridad ni Moira Dela Torre bilang singer at songwriter.

Sa kaniyang mahabang Facebook post nitong Linggo ng gabi, Mayo 28, ibinahagi ni Vadillo na halos dalawang dekada na niyang kilala si Moira, na higit sa isang artist at tinuring na umano niyang kapatid.

Sa loob ng halos dalawang dekadang pagkakilala niya kay Moira natunghayan daw niya ang “hard work” at “genuine talent” nito. Kaya naman hindi raw niya kayang palampasin ang isang post na nag-throw ng shade sa integrity ni Moira bilang artist at songwriter.

“This person claimed a ‘FUN FACT’ (which is really not fun at all) that 95% of Moira’s hits were composed by Jason Marvin. Paubaya, Ikaw at Ako, Pabilin, EDSA, Patawad, Kumpas, Babalik Sayo, Saglit, and the list goes on. Then he added the question kung sino ang manggagamit?

Metro

Lalaking bugbog-sarado matapos gahasain ang 4-anyos na bata, arestado!

“That statement is grossly inaccurate. Paubaya and Edsa were both composed by Jason (this is public knowledge. Actually Moira also helped In Paubaya), the other songs Ikaw at Ako, Pabilin, Patawad, Kumpas, Babalik Sayo, Patawad, Kumpas were composed by both by Moira and Jason (Moira even gave a bigger contribution to some of those songs). So as far as these songs are concerned, walang gamitan. Tawag diyan collaboration,” giit ni Vadillo.

Binigyang-diin din niya na ang pakikipag-collaborate ni Moira sa iba ay hindi umano kabawasan sa kaniyang pagiging “powerhouse songwriter.”

“Saglit is composed solely by Moira not to mention the entire Malaya album which includes the mega hits Malaya, Tagu-Taguan, Take her to the Moon and Tagpuan. It is also worth noting that her debut album is what jumpstarted Moira’s career and put her on the map,” saad ni Vadillo.

Binanggit din ng Cornerstone official na sa halos 20 years niyang pagkakilala kay Moira, sigurado siyang hindi na niya kailangan ng serbisyo ng isang “Ghostwriter” para sa kaniyang mga awitin at komposisyon, taliwas umano sa sinabi ng isang composer na ginawa ni Moira at tumawad pa ng P20,000.

“Masyado genius si Moira to need that. Why would she pay when she is more than capable of doing it herself. Hindi pa siya sikat, sumusuka ng Songs after Songs si Moira. Doon sa nag sabi nun - are you implying na mas magaling kang songwriter kaysa sa kanya?” ani Vadillo.

“Stop invalidating the work of a hardworking woman. She does not deserve this,” saad pa niya.

Bagama’t hindi pinangalanan ni Vadillo ang tinutukoy niyang composer, matatandaang naglabas ng pahayag nito lamang Linggo ng tanghali, Mayo 28, ang composer at dating kaibigan ni Moira na si Lolito Go hinggil sa umano’y totoong nangyari sa hiwalayan nito kay Jason Marvin Hernandez, at sa kaniyang karanasan nang makatrabaho si Moira.

MAKI-BALITA: Composer, dating kaibigan ni Moira, may isiniwalat hinggil sa breakup nito kay Jason