Bagama’t bahagyang humina ang Super Typhoon Betty nitong Sabado ng hapon, Mayo 27, iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nadagdagan pa sa 12 probinsya sa Nothern Luzon ang itinaas sa Signal No. 1 dahil sa bagsik ng bagyo.

Sa tala ng PAGASA dakong 5:00 nitong hapon, itinaas sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:

  1. Batanes
  2. National

    Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

  3. Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
  4. Isabela
  5. Apayao
  6. Ilocos Norte
  7. Hilaga at gitnang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Malibcong, Danglas, La Paz, Dolores, Tayum, Bucay, Sallapadan, Daguioman, Bucloc, Boliney), 
  8. Kalinga
  9. Silangan at gitnang bahagi ng Mountain Province (Sadanga, Barlig, Natonin, Paracelis, Bontoc), 
  10. Silangan at gitnang bahagi ng Ifugao (Mayoyao, Aguinaldo, Alfonso Lista, Banaue, Hingyon, Lagawe, Lamut, Kiangan, Asipulo), 
  11. Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao), 
  12. Quirino 
  13. Hilagang-silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde, Bayombong, Ambaguio)

Namataan umano ang mata ng super typhoon Betty 1,035 kilometro ang layo sa silangan ng Gitnang Luzon na may maximum sustained winds na 185 kilometer per hour at pagbugsong 230 kilometer per hour.

Ayon pa sa PAGASA, bahagyang humina ang Super Typhoon Betty habang kimukilos pakanluran sa bilis na 25 kilometer per hour.

“Strong winds (strong breeze to near gale strength) will be experienced within the areas where Tropical Cyclone Wind Signal No.1 is currently in effect,” saad ng PAGASA.

Karaniwan umanong mas mataas ang tiyansa ng pag-ulan sa matataas o bulubunduking lugar.

Sa mga lugar naman na hindi direktang maaapektuhan ng super typhoon, ayon sa PAGASA, posible pa rin ang pag-ulan dala ng Southwest Monsoon o Habagat lalo na sa kanlurang bahagi ng MIMAROPA, Visayas, at Mindanao bukas, Mayo 28.