Sinalakay ng mga tauhan ng Department of Agriculture (DA) at Philippine National Police (PNP)-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang cold storage facility sa Navotas dahil umano sa pagbebenta ng smuggled na frozen fish.

Ayon sa PNP-CIDG, tatlong beses na silang nagsagawa ng test-buy operation bago ipinatupad ang entrapment operation.

Nadiskubre sa nasabing pasilidad ang mga naka-karton na frozen pompano, galunggong at iba pang isda mula sa China.

Tatlong tauhan ng naturang cold storage facility ang dinampot sa naturang operasyon.

National

‘Fake news!’ Chinese embassy, pinabulaanang may kumakalat na virus sa China

Kabilang sa inaresto ang isang kargador at dalawang kahera na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan.

Ipinaliwanag naman ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary James Layug, modus operandi ng may-ari ng mga nasamsam na isda ang technical smuggling kung saan idinidiretso sa merkado ang agri-fishery products kahit walang kaukulang permit at lisensya.

"Ang intended use niyan sana for canning. So kung binigyan sila, ng canning or for other purpose, pero ang ginagawa nila binebenta nila diretso sa wet market," ani Layug sa panayam sa telebisyon.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 ang tatlong naaresto at may-ari ng mga imported na isda.