Nagpapatupad na ng preemptive evacuation sa mga lugar na posibleng hagupitin ng Super Typhoon Betty.

Ito ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Director Edgar Allan Tabell sa isinagawang press conference sa Quezon City nitong Sabado.

Aniya, kabilang sa nagsimulang mag-evacuate ang ilang lugar sa Northern Luzon, katulad ng Sta. Ana at Gonzaga sa Cagayan na inaasahang babayuhin ng bagyo.

“Base sa forecast ng PAGASA…sa Monday or Tuesday pa lang magkakaroon ng malalakas na…pag-ulan doon sa area na iyon of extreme northern Luzon. Pero alam natin iyong karanasan ng ating mga kababayan sa northern Luzon particularly Cagayan, Isabela, hindi na ito bago sa kanila, so alam na nila iyong ginagawa,” aniya.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Nagsimula na ring magpatupad ng preemptive evacuation ang mga residente sa Negros Occidental, Palawan at Pampanga, ayon kay Diego Mariano, Information Officer ng Office of Civil Defense-National Disaster Risk Reduction and Management Council (OCD-NDRRMC).

Sa weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa 1,035 kilometro silangan ng Central Luzon at kumikilos pa-kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour (kph).

Taglay nito ang lakas ng hanging 185 kph malapit sa gitna at bugsong hanggang 230 kph.

Isinailalim na rin sa Signal No. 1 ang 12 na lalawigan sa Luzon, ayon pa abiso ng PAGASA.