Isa ka rin ba sa mga nakikipag-paligsahan sa patagalan sa pagpapaikot ng lato-lato? O kaya naman ay naiingay sa mga naglalaro nito? Alamin ang kuwento sa likod ng trending na laruan na ito.

Hindi tulad ng ilang mga balita na sa Indonesia umano ito nagsimula, ang laruang lato-lato ay naiulat na nagsimula sa Estados Unidos noong 1960's at sumikat noong 1970's.

Una itong tinawag na "clackers" na unang nang gawa na tempered glass o acrylic. Ang dahil nga ganito ang materyal na gamit sa laruan na ito, ang American Consumer Product Safety Commission ay naglabas ng mga regulasyon, na kung saan ay kinakailangan munang maipasa ng mga manufacturer upang ipagbili sa merkado.

Tinawag din itong katto-katto, etek-etek, nok-nok sa Indonesia dahil sa tunog na inilalabas nito tuwing nilalaro. At click-clacks, knockers, ker-bangers, and clankers, sa US dahil sa paraan ng paglalaro nito.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

Kasabay ng pagsikat ng laruang ito ay hindi rin maikukubli ang iba't ibang problema na kinaharap nito. Kaya naman, minsan na rin itong tinawag na "parent's nightmare" dahil sa hindi inaasahang insidente.

Minsan na rin itong naiulat na umano'y na-ban sa US, United Kingdom, at Canada dahil sa safety hazards nito at paggamit nito bilang sandata.

Gayumpaman, hindi maikakaila ang pagsikat nitong muli sa publiko na maging kahit na ang presidente ng Indonesia na si Joko Widido at Singapore’s Deputy Prime Minister Lawrence Wong ay naglalaro nito.

Ikaw, anong kuwentong lato-lato mo?