Sinuspindi na ng Maritime Industry Authority (MARINA) nitong Lunes, ang operasyon ng nagbanggaang dalawang barko sa karagatang bahagi ng Cebu kamakailan.

Ito ang kinumpirma ni MARINA enforcement service director Ronald Bandalaria, at sinabing hindi na muna pinapayagang bumiyahe ang MV St Jhudiel na pag-aari ng Supercat Fast Ferry Corporation, at ang cargo vessel na LCT Poseidon 2.

Ang nabanggit na cargo vessel ay pag-aari ng Primary Trident Marine Solutions.

Idinahilan ni Bandalaria, hihintayin pa nila ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa insidente.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

"They will be suspended until such time that they validate that the vessel are fit to go on its intended voyage. We have to validate kung seaworthy 'yung vessel," aniya.

Matatandaangnagbanggaan ang dalawang barko sa Mactan Channel sa Cebu nitong Linggo na ikinasugat ng 30 katao.