Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Zamboanga del Sur, nitong Linggo ng gabi, Mayo 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 8:44 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 16 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Tabina, Zamboanga del Sur, na may lalim na 17 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Tigbao, Sominot, Josefina, at Pitogo, ZAMBOANGA DEL SUR, habang Intensity II naman sa Kumalarang, at Pagadian City, ZAMBOANGA DEL SUR.

National

SP Chiz, Sen. Koko, at Sen. Raffy, pwedeng maging pangulo ng PH – Sen. Robin

Naitala naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV - Kapatagan, LANAO DEL NORTE

Intensity II - Kiamba, SARANGANI; Sindangan, ZAMBOANGA DEL NORTE

Intensity I - Alamada, COTABATO; Tampakan, SOUTH COTABATO; Molave, ZAMBOANGA DEL SUR

Wala namang inaasahang ng aftershocks ang lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.