Kinumpirma ng Department of Budget and Management nitong Linggo, Mayo 14, na makatatanggap ng mid-year bonus ang mga empleyado sa lahat ng posisyon sa gobyerno simula sa darating na Lunes, Mayo 15. 

Sa isang pahayag, ibinahagi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na matatanggap ang nasabing bonus ng lahat ng civilian personnel, sila man ay regular, casual o contractual, appointive o elective, o full-time o part-time.

Sinasaklaw umano nito ang sangay ng Executive, Legislative, at Judicial, Constitutional Commissions at iba pang Constitutional Offices, State Universities at Colleges, Government-Owned o Government-Controlled Corporations, at local government units.

Dagdag pa rito, kasama rin sa mga entitled personnel na makatanggap ng mid-year bonus ang military personnel ng Armed Forces of the Philippines sa ilalim ng Department of National Defense at uniformed personnel ng Philippine National Police.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Magiging katumbas naman umano ang nasabing mid-year bonus sa isang buwang basic pay ng mga empleyado.

Samantala, bibigay lamang ang mid-year bonus sa mga empleyadong nakapagserbisyo nang apat na buwan o higit pa mula noong Hulyo 1, 2022, hanggang Mayo 15, 2023.

BASAHIN: Gov’t employees, makatatanggap na ng mid-year bonus — DBM

Kinakailangan din umanong nananatili sa serbisyo ng gobyerno ang empleyado at nakatanggap ng hindi bababa sa satisfactory performance rating.

Pinaalalahanan naman ni Pangandaman ang mga ahensiya at tanggapan ng gobyerno na tiyaking maibibigay kaagad o sa itinakdang oras ang nasabing bonus sa kanilang mga empleyado.