"Come home. That's the best advice I can give him. Come home.”

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. para kay Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. matapos mabasura ang hiling nitong political asylum sa Timor Leste.

Sa isang panayam nitong Huwebes, Mayo 11, sinabi ni Marcos na natalakay nila ni Timor Leste Prime Minister Taur Matan Ruak sa isang bilateral meeting ang tungkol sa apela ni Teves na ibinasura naman ng kanilang bansa.

BASAHIN: Hiling na ‘political asylum’ ni Teves, ibinasura ng Timor Leste – DFA

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Naganap umano ang nasabing bilateral meeting sa kalagitnaan ng 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na dinaluhan ng Marcos sa Labuan Bajo, Indonesia.

"It turns out that Congressman Arnie Teves applied for political asylum but was denied. Ganun lang. So, I think they will continue to go through the process— may appeal process para sa… for those who are applying. ‘Yun, but na-deny,” saad ni Marcos.

"So we'll just wait for the process to complete," dagdag niya.

Isa si Teves sa mga tiningnan ng DOJ na mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walong iba pa noong Marso 4.

BASAHIN: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla

Umalis ang kongresista ng Pilipinas noong Pebrero 28 para umano sa stem cell treatment sa United States, at inaasahang bumalik noong Marso 9 dahil sa pagkapaso ng travel clearance nito na inisyu ng Kamara.

Ngunit hanggang ngayon ay tumatanggi itong umuwi ng Pilipinas dahil umano sa banta sa kaniyang buhay.

Matatandaang noong Abril 20 ay ibinahagi ni Teves Jr. na nakipag-ugnayan siya sa pinsan ni Marcos sa pagbabakasakali umano na makausap niya ang pangulo dahil gusto na niyang umuwi.

BASAHIN: Teves, kinausap pinsan ni PBBM: ‘Gusto kong makausap si Presidente dahil gusto ko nang umuwi’