Sinalubong ni Indonesian President Joko Widodo si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pagdating nito sa pagbubukas ng sesyon ng 42nd ng ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Summitsa Labuan Bajo, Indonesia nitong Miyerkules ng umaga.

Nakipagkamay si Marcos kay Widodo bilang tanda ng magandang relasyon ng dalawang bansa.

Ang Summit ay sisimulan saMeruorahConvention Center.

Inaasahang isisingit ni Marcos ang nakatakdang bilateral meeting nito sa mga pinuno ng Vietnam,Lao People's Democratic Republic, at Timor-Leste.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ilalatag ni Marcos ang mga kinakaharap na usapin ng rehiyon, kabilang na ang sitwasyon sa Myanmar at South China Sea.