Binalaan ng Manila Electric Company (Meralco) ang mga consumer dahil sa inaasahang pagtaas ng bayarin sa kuryente ngayong Mayo.

Katwiran ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga nitong Miyerkules, tumaas ang presyo ng kuryente sa wholesale electricity spot market (WESM) at sa iba pang supplier.

Binanggit din nito ang natitirang bahagi ng P0.20per kilowatt-hour (kWh) sa dating pagtaas sa generation charge nitong Marso na ipapatong sa bill ng kuryente ngayong buwan.

Idadagdag din sa bayarin ngayong buwan angP0.04/kWh increase sa universal charge.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Posible rin aniyang magkaroon ng price adjustment o pagtaas ng presyo ng kuryente sa spot market dahil sa tumataas na demand at mgaunscheduled shutdown.