Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Martes ng umaga, Mayo 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 8:13 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 331 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 34 kilometro.

Wala namang inaasahang ng aftershocks ang lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.