Nanawagan si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa pamahalaan na magpatupad ng mas maraming mga programa at polisiya na makatutulong sa pagpapabuti ng buhay ng mga mahihirap sa bansa.

Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni Bishop Pabillo na kinakailangang makaroon ang pamahalaan ng mga batas at polisiya na makatutulong sa mahihirap na magkaroon ng kabuhayan lalo na’t hindi umano nararamdaman ng mga ito ang pagbaba ng mga presyo ng bilihin.

Matatandaang inanunsyo kamakailan ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 6.6% ang inflation nitong buwan ng Abril mula sa 7.6% na naitala noong buwan ng Marso.

BASAHIN: Inflation nitong Abril, bumaba sa 6.6% – PSA

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“In order to improve the lives of many Filipinos, there has to be consistency. There should be policies in place that are meant to help provide livelihood opportunities especially for the poor,” saad ng obispo.

Hinikayat naman ni Bishop Pabillo ang mga mananamantalaya na suportahan ang mga programa ng simbahan tulad umano ng ‘Pondo ng Pinoy’ na naglalayong mapagkalooban ng mga pagkain at iba pang tulong ang mahihirap at mga walang tirahan.

“We need to share our resources to help the poor and the needy. We need to support programs like Pondo ng Pinoy to help in our small way the poorest of the poor,” saad ni Bishop Pabillo.