Muling binigyang-diin ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang kanilang pagtutol sa mandatory Reserve Officers' Training Corps (ROTC) dahil wala naman umano itong malulutas na kahit anong isyu sa bansa, lalo na sa sistema ng edukasyon.

“The reinstatement of mandatory ROTC solves none of the current issues that plague our country, especially issues that Filipino students face under our education system,” saad ni SPARK National Coordinator John Lazaro sa isang pahayag.

Sinabi ito ng ni Lazaro matapos ang inilabas na survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan tinatayang 42% ng mga Pinoy sa bansa ang naniniwala umanong dapat gawin lamang “optional” ang ROTC sa Senior High School, habang 35% naman ang nagsabing dapat itong gawing cumpolsary o “sapilitang kurso”.

BASAHIN: 42% ng mga Pinoy, sinabing dapat gawing ‘optional’ ang ROTC sa senior high – SWS

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ayon naman kay SPARK Spokesperson for Basic Education Sophia Reyes, bagama’t lumabas sa survey ng SWS ang “discomfort” ng pagmandato ng ROTC, naniniwala umano silang mas mas matataasan pa ang numero ng mga nagsabing dapat gawin itong cumpolsary kapag sinama sa survey ang mga estudyante.

“The central data that this and the other recent surveys still miss, however, are the primary stakeholders of mandatory ROTC,” saad ni Reyes.

“The lack of interest shown by these officials pushing for mandatory ROTC to listen to the voices of students only goes to show that it is only them who will benefit the most out of this bill,” dagdag niya.