Ibinahagi ng Department of Tourism (DOT) nitong Sabado, Mayo 6, na isang magandang senyales para sa transpormasyon ng turismo sa bansa ang pagdeklara ng World Health Organization (WHO) na hindi na global health emergency ang Covid-19.

Sa pahayag ng DOT, sinabi nitong kaisa sila ng buong bansa sa pagtanggap sa deklarasyon ng WHO kamakailan hinggil sa pagtatapos ng Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) sa Covid-19.

BASAHIN: Covid-19, hindi na global health emergency – WHO

“The unprecedented loss of life and livelihood brought forth by the pandemic caused so much suffering and upended the lives of countless Filipinos, including millions of tourism stakeholders and workers across the country. The service and sacrifice of so many have helped our country surmount one of the greatest challenges of our time, and for that, we are truly grateful,” anang DOT.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sinabi rin ng DOT na sinasaisip ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang malaking papel na ginagampanan ng turismo sa pagtulong na buhayin ang ekonomiya ng bansa.

Dahil dito, sinimulan na umano ng administrasyon ang pagpapatupad ng mga patakaran upang ganap na buksan ang turismo na bansa sa mundo, hikayatin ang pagtataguyod ng kabuhayan at paglikha ng mga trabaho, at ihatid ang pagdagsa ng pamumuhunan. Ito ay upang mapakinabangan umano ang turismo ng maraming Pilipino hangga't maaari.

“The end of the pandemic signals hope that tourism in the Philippines will continue to thrive and transform into the powerhouse that it can be fueled by the hard work, distinct hospitality, love and warmth, and pride of place of the Filipino people,” saad ng DOT.