Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang probinsya ng Isabela, nitong Linggo ng gabi, Mayo 7, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 7:36 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 29 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Maconacon, Isabela, na may lalim na 31 kilometro.

Naramdaman ang Intensity V sa Enrile, CAGAYAN, habang Intensity IV naman sa Tuguegarao City, CAGAYAN.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Naitala naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Gonzaga, CAGAYAN

Intensity II - Ilagan, ISABELA; Tabuk, KALINGA; Madella, QUIRINO

Intensity I - Casiguran, and Baler, AURORA; Laoag City, Pasuquin, at Batac, ILOCOS NORTE; Santiago City, ISABELA;

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa posibleng aftershocks.

Hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.