Tinatayang 76% ng mga Pilipino ang naniniwalang nasa tamang landas ang Pilipinas sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ayon sa nilabas na resulta ng March 2023 OCTA survey nitong Sabado, Mayo 6.

Sa inilabas na “Tugon ng Masa” survey ng OCTA, nagbase umano ang nasabing 76% ng mga Pinoy sa mga polisiya at programang inilalahad at ipinatutupad ng kasalukuyang administrasyon.

Samantala, 10% naman umano ng mga Pilipino ang naniniwalang nasa maling landas ang bansa sa ilalim ng administrasyon ngayon.

Ayon sa OCTA, mapapansin sa 76% na resulta ng First Quarter survey ang pagbaba nang 9% na puntos kung ikukumpara sa huling quarter ng 2022, kung saan 85% mga Pinoy naniniwalang nasa tamang direksyon ang bansa.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"The decline in the overall percentage of adult Filipinos who think that the country is headed in the right direction from last quarter was due to the consistent decreases across major areas and socioeconomic classes," saad ng OCTA.

Isinagawa umano ang nasabing non-commissioned survey, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Pinoy sa bansa na may edad 18 pataas, mula Marso 24 hanggang 28 ngayong taon.