Isiniwalat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado, Mayo 6, na wala nang mga Pilipinong naipit sa hangganan ng Egypt at Sudan.

“Wala nang Pilipinong naipit pa sa border ng Egypt at Sudan, nakapasok na lahat. It's only a matter of repatriating them unti-unti," pahayag ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Affairs Eduardo Jose de Vega sa panayam ng DZMM TeleRadyo.

Ayon kay de Vega, tinatayang 320 mga Pilipinong nagnula sa Susan ang kasalukuyang nanunuluyan sa Egypt havang naghihintay makauwi sa Pilipinas, habang ang 50 Pinoy mula sa Port Sudan ay nakarating na umano sa Saudi Arabia.

Target umano ng ahensya na mapauwi na sa Pilipinas ang lahat ng mga nasabing Pinoy evacuees sa susunod na linggo.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Pinasalamatan naman ni de Vera ang pamahalaan ng Saudi Arabia na siyang nagpapadala umano ng military vessels para sa paglikas ng foreign nationals doon.

Matatandaang nitong Biyernes, Mayo 5, ibinahagi rin ng DFA na apat pang mga Pilipino ang nailikas na rin mula sa bansang Sudan.

BASAHIN: 4 pang Pinoy, nailikas na mula sa Sudan

Nasa 179 mga Pilipino mula sa Sudan na ang nakauwi na sa Pilipinas, ayon kay de Vera. Gayunpaman, ikinalungkot din niya na mayroon pa ring 100 Pilipino doon na binibigyan nila ng "last call" para magpalikas.

Nanawagan din si de Vera sa mga Pinoy na nananatili pa rin sa Sudan na makipag-ugnayan sa kanila. May last repatriation pa umano kung saan may dalawang bus na susundo sa mga Pinoy doon ngayong linggo upang dalhin sa Port Sudan.