Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang probinsya ng Southern Leyte, nitong Huwebes ng gabi, Mayo 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 6:06 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 11 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Sogod, Southern Leyte, na may lalim na 1 kilometro.

Naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Intensity IV - Sogod at Saint Bernard, SOUTHERN LEYTE

Intensity III -San Juan, SOUTHERN LEYTE; Mahaplag, LEYTE

Intensity II - Isabel, LEYTE

Intensity I - Talibon, BOHOL; Albuera, Dulag, Ormoc City, at Baybay, LEYTE; Maasin at Padre Burgos, SOUTHERN LEYTE

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.