Nasa 80 porsyento na ang natapos sa oil spill cleanup operations sa Oriental Mindoro.

Paliwanag ng Philippine Coast Guard (PCG), 80.71 porsyento na ang natapos ng incident management team sa kanilang paglilinis sa Pola habang umabot na sa 74.82 porsyento ang nalinisan nito sa Naujan sa naturang lalawigan.

Paglilinaw ng Coast Guard, 28 pa lamang sa 34 kilometro ng apektadong baybayin sa Pola ang natapos nang linisan habang lima pa lamang sa apektadong pitong kilometro sa Naujan ang natapos na ng grupo.

"Moreover, the PCG continuously monitors the vicinity waters for possible new oil sightings," ayon sa social media post ng PCG.

Probinsya

Bagong lisensyadong guro, patay matapos pagbabarilin sa Cotabato

Matatandaang lumubog sa Naujan ang MT Princess Empress habang naglalayag patungong Iloilo mula Bataan makaraang hampasin ng malalaking alon noong Pebrero 28.