Nagtalaga na ng bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..

Nitong Lunes, Abril 24, pinangunahan ng Pangulo ang change of command ceremony at retirement honorspara kay PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin, sa PNP Headquarters in Camp BGen. Rafael Crame, Quezon City.

Kahapon, nagsimula na sa pagiging hepe ng pambansang pulisya si Police Major General Benjamin Acorda Jr., dating Intelligence chief ng PNP.

Nagretiro si Azurin matapos maabot ang mandatory retirement age na 56 nitong Lunes, na natapat na kaarawan nito.

Si Acorda ay kababayan ni Marcos sa Ilocos Norte at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) ‘Sambisig’ Class of 1991.