Pinag-aaralan na ang mungkahing pagbabalik ng school summer break sa Marso.

"Pinag-aaralan natin mabuti 'yan dahil nga maraming nagsasabi, tapos na ang lockdown, karamihan ng eskwela ay face-to-face na. Kakaunti na ang hindi na," paliwanag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kaugnay sa matinding init na nararanasan ng mga estudyante kamakailan.

Nauna nang inihayag ng Department of Education (DepEd) na walang silang planong ibalik ang bakasyon sa Abril at Mayo sa kabila ng tumitinding init ng panahon sa bansa.

"Since hindi na tayo naka-lockdown, ibalik na natin siguro dati but kung kailan kasi ang gagawin ang actual na semester, kailan mag-uumpisa ang bakasyon ay hindi pa nade-decide dahil mayroon pa rin tayong mga case na nakikita natin na 'yung Covid-19 umaakyat naman 'yung replication rate, umaakyat naman," aniya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Posible aniyang mailabas nila ang desisyon sa usapin sa lalong madaling panahon.

Matatandaang bago tumama ang pandemya ng Covid-19 sa bansa, nagsisimula ang pagbubukas ng klase kada Hunyo at Marso naman ang bakasyon ng mga estudyante.