Mahigit 3,000 mga puno ang itinanim sa Pasig City bilang paggunita umano ng lungsod sa Earth Day nitong Sabado, Abril 22.

Sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), nakiisa si Pasig City Mayor Vico Sotto, City Councilor at Chairperson ng Committee on Environmental Protection and Human Ecology Kiko Rustia, CENRO Chief Allendri Angeles, sa nasabing citywide tree planting activity.

Lumahok din umano ang mga miyembro ng Office of the City Mayor, CENRO, Solid Waste Management Office (SWMO), mga kawani mula sa Maybunga Rainforest Park, mga kinatawan mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP), at South Asialink Finance Corporation (SAFC).

Nangyari ang aktibidad sa apat na lugar sa lungsod: Parian Creek sa Poblacion Area; Ortigas Avenue Extension sa Barangay Ugong; Maybunga Rainforest Park sa Barangay Maybunga; at ang Eastbank Road sa Barangay Sta. Lucia.

Metro

Tinatayang 14,000 kapulisan, nakahanda na para sa Traslacion 2025

Ang nasabing tree planting activity ay isinagawa bilang bahagi rin umano ng mga hakbangin ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili at pangangalaga sa kapaligiran.