Sa kaniyang pakiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr ngayong Sabado, Abril 22, binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez na hindi hadlang ang pakakaiba-iba ng mga paniniwala sa relihiyon upang makamit ang pag-unlad.
Sa pahayag ni Romualdez, sinabi niyang malalim na nakapaloob sa Konstitusyon bansa ang pagkilala at paggalang sa pagkakaiba-iba ng mga paniniwala sa relihiyon ng bawat isa.
“And so, no matter our faith or religion, we continue to march towards progress as a nation, as Filipinos united under one flag," aniya.
"We view this diversity not as an obstacle to development, but rather as a potent moving force for all of us to contribute to nation-building in our own way, according to our respective religious beliefs.”
"May you and your families be blessed with good health, happiness, and prosperity. May peace reign over your hearts and your households. And may the blessings of life be upon you and your loved ones,” saad pa ni Romualdez.
Idineklara kamakailan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Abril 21, 2023 bilang regular holiday dahil sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
BASAHIN: PBBM, idineklarang holiday ang Abril 21 dahil sa Eid’l Fitr
Samantala, inanunsyo ng Bangsamoro Mufti na isasagawa ang pagdiriwang ngayong Sabado, Abril 22, matapos umano silang hindi makakita ng mooncrescent nitong Biyernes sa gitna ng pagsasagawa nila ng moonsighting.