Itatayo na sa Bulacan ang pabahay ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para sa mahihirap na Pinoy.

Ito ay nang pangunahan ni Marcos ang groundbreaking ceremony ng proyektong 4PH (Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing) sa Heroes Ville, Barangay Gaya-Gaya, City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan nitong Miyerkules, Abril 19.

Kasama sa anim na 4PH Project ang siyam na palapag na gusaling mayroong 1,890 na housing unit at isang commercial complex na itatayo sa 6.9 ektaryang lupain.

Dumalo rin sa seremonanya si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar, kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan.