Ibinasura ng mga senador nitong Lunes, Abril 17, ang apela ni Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves na virtual na lumahok sa pagdinig ng Senate Public Order and Dangerous Drugs Committe hinggil sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walo pang nadamay noong Marso 4.

BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!

Ibinunyag ni Senador Ronald ‘’Bato’’ dela Rosa, chairman ng komite, ang nasabing desisyon matapos ang closed-door discussion nila kasama ang mga miyembro ng komite bago nagsimula ang pagdinig ng Senado kasama ang mga ranking government officials kaninang 10:20 ng umaga.

Ilan sa mga lumahok sa pagdinig ay sina Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla at Deparment of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Napabalita rin kamakailan ng lumipad naman patungong Manila si Negros Oriental Mayor Janice Degamo, asawa ng pinaslang na si Gov. Roel Degamo, at 40 iba pa upang lumahok umano sa pagdinig.

BASAHIN: Asawa ni slain Gov. Degamo, 40 iba pa, lumipad pa-Manila para sa pagdinig ng Senado, DOJ

Samantala, sinabi kamakailan ni Remulla na maaaring nasa Cambodia pa si Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo.

BASAHIN: Teves, maaaring nasa Cambodia pa – Sec Remulla

Tiniyak naman ni Abalos kay Dela Rosa na sisiguraduhin niya ang kaligtasan ni Teves sakaling magpasya itong bumalik sa Pilipinas at personal na humarap sa komite ng Senado.

Sinabi rin ni Dela Rosa na hindi dapat matakot si Teves na maaresto sa Pilipinas dahil tumestigo si Remulla na walang warrant ang DOJ para sa pag-aresto sa kaniya.