Pinayuhan ng pamahalaang lungsod ng Parañaque ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta sa Lunes, Abril 17, mula 6:00 ng umaga upang maiwasan umano ang matinding traffic sa gitna ng paglilipat ng illegal settlers sa kahabaan ng E. Rodriguez Avenue sa Barangay Moonwalk.

Sa inilabas na traffic advisory ng lokal na pamahalaan, ang light vehicles na dumadaan sa C5 Extension ay maaaring dumaan sa alternatibong ruta na dadaan sa Daang Bata papuntang ROMVI subdivision at vece versa.

Sinabi naman ni Mayor Eric Olivarez na ipatutupad ang “stop and go traffic process” sa kahabaan ng E. Rodriguez Avenue para bigyang-daan ang mga sasakyang papasok at lalabas sa lugar.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

341365250_889297168839897_32738116517784126_n.jpg
(Photo courtesy ofParañaque PIO / MANILA BULLETIN)

Ang nasabing traffic scheme ay mahigpit umanong ipatutupad ng Traffic Parking Management Office (TPMO).

Jean Fernando