Inihain ni Cagayan de Oro 2nd district Rep. Rufus Rodriguez ang House Bill No. 7822 na naglalayong gawing anim na oras na lamang ang walong oras na klase ng mga guro sa pampublikong paaralan upang isulong umano ang kapakanan ng "overworked" teachers at itaas ang kalidad ng basic education sa bansa.

Ayon kay Rodriguez, chairman ng House Committee on Constitutional Amendments, kinakailangang baguhin ang oras ng klase ng mga guro upang magkaroon pa sila ng oras para makapaghanda ng lesson plans at instructional materials, makapag-ugnayan sa mga mag-aaral tuwing may co-curricular activities, at makapagsagawa ng iba pang mga trabaho na maaaring italaga sa kanila ng kanilang punong-guro o superior.

“Their work site is not limited to the classroom,” ani Rodriguez. “Teachers perform a regular eight-hour work shift just like any average laborer. Six hours of that shift may be spent in the lecture hall, and two hours are spent in lesson-plan preparation, lecture planning, and student-parent consultations.”

Sinabi rin ng mambabatas na tiwala siyang susportahan ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang nasabing panukala.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa tala ng DepEd, tinatayang 876,642 ang public school teachers sa basic education.