Hindi na naitago ang saya ni Senador Ramon Revilla Jr. sa pagpasa ng kaniyang anak na si Atty. Inah del Rosario sa Bar exam.
BASAHIN: Anak nina Cong. Lani, Sen. Bong Revilla, kasama sa bar exam passers
Anang senador, alam niyang naging isa siya sa mga dahilan kung bakit nagpursige ang anak nito sa pagtahak sa law. Kaya naman, lubos ang pagbati nito sa tagumpay ng kaniyang anak.
"Hindi ko mapigilan maluha sa tuwa, at hindi ko mailagay sa salita ang pagiging proud ko bilang isang ama. Alam ko that you did this partly because of me and for me. Lalo pa at alam ko ang pinagdaanan mo na pinagsabay ang pagiging ina at ang pag-aaral ng abogasya. All the hard work has paid off! Galing!"
"Now that you have reached your dream of becoming a lawyer, always remember why God has blessed you with this - to help and bless others."
Ani Revilla, lagi siyang nandiyan para sa kaniyang anak at siya ang number one cheerleader nito.
Nagpasalamat din si Revilla sa mga suporta, higit lalo sa mga nagdasal para kay Ina.
Isinagawa ang November 2022 Bar Exams sa 14 local testing centers noong Nobyembre 9, 13, 16, at 20, kung saan ay 43.47% examinees ang tagumpay na nakapasa.