“Sana lagi niyong isapuso’t isaisip ang pagsusulong ng katarungan at katotohanan.”

Ito ang pahayag ng human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno nitong Biyernes, Abril 14, matapos niyang batiin ang mga nakapasa sa 2022 Bar Exams.

“Congratulations sa mga Bar passers!” ani Diokno sa kaniyang Twitter post.

“Sa bagong batch ng mga abogado, sana lagi niyong isapuso’t isaisip ang pagsusulong ng katarungan at katotohanan sa pagtupad niyo sa ating tungkulin bilang manananggol,” saad pa niya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa inilabas na resulta ng Korte Suprema kanina, nasa 43.47% examinees ang nakapasa sa nasabing 2022 Bar Exams.

BASAHIN: 43.47% examinees, pasado sa 2022 Bar Exams!

Kapwa mga nagtapos sa University of the Philippines College of Law naman ang mga naging top 5 dito.

BASAHIN: UP Law graduates, nasungkit ang top 5 sa 2022 Bar exams