Very proud sina Cavite 2nd district Rep. Lani Mercado-Revilla at Senador Ramon “Bong” Revilla sa kanilang anak na si Inah matapos itong makasama sa mga nakapasa sa 2022 Bar Exams.

“Just when I thought I already had everything my heart desires…niregaluhan po kami ng aming anak na si Inah ng magandang balita: We have a lawyer in the family! Pasado po sa 2022 Bar Examinations ang aming anak!” saad ni Mercado sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Abril 14.

“We are very, very proud of you, Inah! Lahat ng hirap, sakripisyo, at pagsisipag ay laging nagbubunga ng maganda. Nandito lang kami, ang iyong buong pamilya, para suportahan ka sa bawat yugto ng iyong buhay. Congratulations, Atty. Inah! ❤️,” dagdag niya.

Nag-post naman si Revilla ng isang TikTok video tampok ang pakikipag-usap niya kay Inah upang batiin ito.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“This is for you,” sambit ni Inah kay Revilla habang nakikipag-usap sa telepono na siyang naging dahilan ng lalong pag-iyak ng senador sa tuwa.

“Abogado na po ang aking anak na si Inah! 👏😊 Thank you, Lord! 🙏

Nagpapasalamat din po ako sa lahat ng nagdasal para sa kanyang pagpasa sa bar!

Atty. Inah del Rosario, I'm so proud of you, anak! We love you! 🥰,” caption naman ni Revilla sa nasabing post.

Tinatayang 43.47% examinees ang nakapasa sa nasabing 2022 Bar Exams, ayon sa inilabas na resulta ng Korte Suprema nitong Biyernes.

BASAHIN: 43.47% examinees, pasado sa 2022 Bar Exams!