Kinumpirma ni Senador Ronald ‘’Bato’’ dela Rosa na, sa pamamagitan ng virtual na pakikipanayam, lalahok si Suspended Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo ‘’Arnie’’ Teves Jr. sa imbestigasyon ng Senado sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo at iba pang politikal na patayan sa Negros Oriental.

Ayon kay dela Rosa, chairman of the Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee, nakatakdang mangyari ang nasabing pagdinig na lalahukan umano ni Teves sa Abril 17.

“[Teves] made his commitment through his secretary, communicating with my committee secretariat that he is going to attend virtually during the hearing,” ani dela Rosa.

Isa si 3rd District Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo at walo pang nadamay noong Marso 4.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

BASAHIN: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla

Kamakailan ay nanawagan si House Speaker Martin Romualdez kay Teves na bumalik na ng bansa mula sa Estados Unidos upang harapin umano ang mga ibinabato sa kaniya hinggil sa pagkasawi ng gobernador.

BASAHIN: Rep. Teves, pinauuwi na sa bansa dahil sa murder case

Binanggit naman ni dela Rosa na hindi pa niya alam ang motibasyon ni Teves sa paglahok nito sa kaniyang committee hearing sa halip na sundin ang naging panawagan ni Romualdez.

Hindi pa rin umano niya batid kung nais linisin ng suspendidong kongresman ang kaniyang pangalan sa paglahok sa nasabing nakatakdang pagdinig. Gayunpaman, sinabi ni dela Rosa na magandang senyales ang balak na paglahok ni Teves sa imbestigasyon.

‘’He can do everything he wants to say. I am there to control the proceedings of the hearing. So kung gagamitin niya yung committee hearing ko for grandstanding or whatever, I’m there to control, I’m there to moderate everything,’’ ani dela Rosa.

Matatandaang sinuspinde si Teves dahil umano sa pagiging “magulo at pagsuway” sa Kamara.

BASAHIN: 60 days suspension, ipinataw ng Kamara kay Teves

Matapos ito, itinalaga ni Romualdez ang kaniyang sarili bilang legislative caretaker ng 3rd district ng Negros Oriental, na siyang kinakatawan ni Teves.

BASAHIN: Romualdez, itinalaga ang sarili bilang legislative caretaker ng distrito ni Teves