Binigyang-diin ni Senador Ronald “Bato’’ dela Rosa nitong Lunes, Abril 10, na hindi maaaring diktahan ng bansang China ang Pilipinas pagdating sa foreign policy matapos magpahayag ang nasabing bansa ng pag-aalala sa apat na karagdagang PH-US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa Pinas.

BASAHIN: Malacañang, inihayag ang 4 karagdagang EDCA sites

Sa isang panayam sa Zoom ng Senate reporters, sinabi ni dela Rosa na ang Pangulo ng Pilipinas ang arkitekto ng foreign policy ng bansa at hindi ang China maging ang US.

“Hindi nila tayo puwedeng diktahan, same is with the United States,” ani dela Rosa.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Sinundan lang natin ‘yung commitment natin as United States, ‘yung pag-implement ng EDCA. We have to honor our commitment,’’ saad pa niya.

Sinabi rin ni dela Rosa na hindi dapat pigilan ng China ang Pilipinas sa pagsasagawa nito ng military exercises kasama ang US sa ilalim ng Balikatan program.

Saad pa ng senador, mag-aalala lamang ang bansa kapag ang mga bala ng China ay nakarating na sa teritoryo ng Pilipinas.

Binanggit umano ito ni dela Rosa sa gitna ng patuloy na pag-atake ng China sa Taiwan, isang bansang kaalyado ng US.

Nagmo-monitor naman umano sila sa mga nasabing pag-atake ng China sa Taiwan.

“Yes, nagmo-monitor tayo. Sila rin nagmo-monitor sa atin,” ani dela Rosa.

Samantala, kanina lamang ay ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang dapat ipag-alala ang China sa EDCA sites ng Pilipinas dahil hindi umano ito gagamitin para sa mga opensibong aksyon.

BASAHIN: PBBM sa China: ‘Hindi na kailangang mag-alala sa bagong EDCA sites’