Ngayong Araw ng Kagitingan, Abril 9, binigyang-pugay ng United States embassy in the Philippines ang mga Pilipino at Amerikanong lumaban noong World War II.

“This #Kagitingan2023, we join the Philippines in paying tribute to Filipinos and Americans who bravely fought for freedom and peace during World War II,” pahayag ng embassy sa social media post.

“We continue to honor their legacy and remember their sacrifice,” dagdag nito.

Taong 1946 umano nang magtatag ang US at Pilipinas ng diplomatikong relasyon.

Samantala, binati rin ngayong Linggo ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson ang Pilipinas sa pagdiriwang ng bansa ng Pasko ng Pagkabuhay.

BASAHIN: US, Canada envoys, binati ang mga Pinoy na nagdiriwang ng Easter Sunday