Tuluy-tuloy pa rin ang road clearing operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko ngayong Semana Santa.

Sa pahayag ng MMDA, nakabantay ang mga tauhan nito sa Mabuhay lanes o alternatibong ruta upang matiyak na walang sagabal sa mga motoristang uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong long weekend.

Nakatutok din ang MMDA personnel sa iba't ibang terminal ng bus at transportation hubs sa National Capital Region (NCR).

Naka-deploy din ang ibang tauhan nito sa pangunahing simbahan sa Metro Manila upang maging maayos ang pagsasagawa ng Visita Iglesia ngayong Mahal na Araw.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!