Anim ang nasawi matapos umanong atakihin ng missiles ng Russia ang silangang bahagi ng bansang Ukraine nitong Linggo, Abril 2.

Sa ulat ng Agence France Presse, tatlong babae at tatlong lalaki na may edad mula late 40s hanggang mid-60s ang nasawi habang walo pa ang nasugatan sa insidente.

Ayon sa Donetsk regional police, nangyari ang pagpapaputok ng Russia ng S-300 at Uragan missiles sa isang mataong lugar sa silangang lungsod ng Kostyantynivka sa Ukraine makalipas lamang ang 10:00 ng umaga (0700 GMT).

Tumama umano ang nasabing pagsabog sa 16 apartment buildings, 8 pribadong tirahan, isang kindergarten, isang administrative building, tatlong kotse at isang gas pipeline.

Internasyonal

US President, Vice President binati ang first American pope na si Pope Leo XIV

Ang Kostyantynivka ay humigit-kumulang 27 kilometro (17 milya) mula sa lungsod ng Bakhmut, kung saan nagpapatuloy ang pinakamatinding digmaan sa pagitan ng dalawang bansa.

Matatandaang inanunsyo ng International Criminal Court (ICC) noong buwan ng Marso na nag-isyu ito ng arrest warrant laban kay Russian President Vladimir Putin kaugnay ng war crimes sa Ukraine mula nang lusubin umano ito ng Russia noong Pebrero 24, 2022.

BASAHIN: ICC, naglabas ng arrest warrant vs Russian Pres. Putin