May 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

Siwalat ni Imee: 'Ang gobyerno ngayon ay hindi Marcos. Ang gobyerno ngayon Romualdez at Araneta'

Siwalat ni Imee: 'Ang gobyerno ngayon ay hindi Marcos. Ang gobyerno ngayon Romualdez at Araneta'
screengrab: Senator Imee R. Marcos/FB

'HINDI GANYAN ANG LEGASIYA ANG AKING AMA'

Tahasang isiniwalat ni reelectionist Senador Imee Marcos na ang "gobyerno ngayon ay hindi Marcos" kundi "Romualdez at Araneta."

Tila ang tinutukoy ni Imee na Romualdez at Araneta ay sina House Speaker Martin Romualdez at First Lady Liza Araneta-Marcos, asawa ng kapatid niyang si Pangulong Bongbong Marcos Jr.

"Payo ni VP [Sara], magpalit na raw ako ng apelyido. Sagot ko, 'Inday, hindi ko kailangang magpalit ng apelyido. MARCOS AKO, I'm me! Ako ay ako! Ako ay si Imee Marcos," saad ni Imee sa  isang 1-min video na inilabas nitong Biyernes, Mayo 9, tatlong araw bago ang eleksyon.

Eleksyon

Makabayan senatorial bet Lidasan, ‘di nakaboto; wala pangalan niya sa listahan

"At kapag Marcos ka, hindi ka makikipag-alyansa sa mga politikong nagbintag, nagdiin, at umapi sa iyong pamilya. Hindi mo kakainin ang isinuka mo para lamang sa politika. Hindi ganyan ang legasiya ng aking ama," giit pa niya.

"Imported na ang bigas, imported pa ang hustisya? Kaya ang malinaw, ang gobyerno ngayon ay hindi Marcos. Ang gobyerno ngayon ay Romualdez at Araneta. 

"Kaya tandaan, ako ay ako! I'm, me! ImeeIsip, ImeeSalita, Imeegawa."