Hindi bababa sa walong deboto ang nasawi matapos umanong bumagsak ang bubungan ng isang templo sa India nitong Huwebes, Marso 30.
Sa ulat ng Agence France Presse, ibinahagi ng pulisya na nasa isang dosena ang nailigtas matapos mahulog sa balon ang humigit-kumulang 25 deboto sa isang Hindu temple sa central city ng Indore, India.
Patuloy pa rin ang rescue operations ng mga awtoridad dito.
Makikitang gumagamit umano ang ilang emergency workers ng mga tali at hagdan upang maabot ang mga nahulog sa balon.
Ayon sa AFP, napupuno ng mga deboto ang mga templo sa India sa nasabing araw dahil sa okasyon ng Ram Navami o ang kaarawan ni Hindu deity Lord Ram.