Halos umabot sa 500 ang nahuling lumabag sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City nitong Marso 29.

Sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa mga hinuli ang 326 na nagmomotorsiklo, at 113 na private vehicle driver.

Paglilinaw ng MMDA, ang nasabing bilang ay natiketan sa ikatlong araw ng implementasyon ng bagong polisiya, sa tulong na rin ng Quezon City-Department of Public Order and Safety (DPOS).

Nitong Marso 27, mahigit sa 1,200 ang lumabag sa nasabing sistema sa unang araw pa lamang ng full implementation nito.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nauna nang sinabi ng MMDA na layunin ng exclusive motorcycle lane na mabawasan ang aksidenteng kinasasangkutan ng mga nagmomotorsiklo at madisiplina ang mga motorista.