Simula Abril 1, ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kalahating oras na heat stroke break para sa mga tauhan nito sa lansangan upang makatagal sa matinding init ng panahon.

Ito ang isinapubliko ni MMDA chairman Romando Artes nitong Miyerkules matapos pirmahan ang isang memorandum circular para sa naturang polisiya.

“This move is part of the agency’s efforts to prevent heat-related illness among our outdoor workers who brave the searing heat every day to fulfill their duties and responsibilities. Their safety is of paramount importance,” ani Artes.

Aniya, magkakaroon ng rotation ng mga tauhan para sa implementasyon nito hanggang Mayo 31.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Sa ilalim ng polisiya, pinapayagang iwan muna ng mga traffic enforcer at street sweeper ang kanilang puwesto upang magpahinga ng 30 minuto.

Bibigyan din ng karagdagang 15 minutong break time ang mga ito sakaling pumalo sa 40 degrees celsius ang heat index o ang nararamdamang alinsangan sa Metro Manila.

Babala naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang heat index o "init factor" na mula 41 degrees celsius hanggang 54 degrees celsius ay posibleng magdulot ng “danger heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.”