Isasailalim sa random drug test ang mga driver ng public utility vehicle (PUV) upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero sa panahon ng Semana Santa at bakasyon.
Ito ang isinapubliko ngLand Transportation Office (LTO) nitong Lunes, Marso 27, at sinabing ikakasa rin nila ang heightened alert simula Marso 31 hanggang Abril 10 kaugnay ng “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa and Summer Vacation 2023.”
Sa social media post, ipaliwanag ni LTO chief Jay Art Tugade, tututukan ng ahensya ang pangkalahatang kaligtasan sa lansangan kabilang ang roadworthiness inspection sa mga bibiyaheng public utility vehicle (PUV).
Aniya, bukod sa mga driver, isasalang din nila sa drug test ang mga conductor ng mga PUV.
Isasailalim din sa seminar ang mga ito bilang bahagi ng pagsusulong ng LTO para sa ligtas na pagbiyahe ngayong Semana Santa.