Mahigit sa 1,200 na lumabag sa eksklusibong motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City ang hinuli sa unang araw ng implementasyon nito.
Sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa hinuli ang 482 na nagmomotorsiklo at 757 driver ng mga private vehicle.
Kabuuang 1,238 violators ang pinagmulta ng tig-₱500.
Aabot naman sa ₱1,200 ang magiging multa ng mga public utility vehicle na lalabag sa bagong polisiya, ayon sa MMDA.
Nauna nang idinahilan ng ahensya, bahagi lamang ito ng pagdidisiplina sa mga motorista upang mabawasan ang akskidente at maiayos na rin ang daloy ng trapiko.