Darating na sa Pilipinas ang mga miyembro ng United States Coast Guard at ilang air assets nito upang tumulong sa isinasagawang clean-up operations sa oil spill sa Oriental Mindoro.

Ito ang kinumpima ni Department of National Defense (DND) officer-in-charge Carlito Galvez, Jr. nitong Linggo, ayon na rin sa pahayag ng Malacañang.

Sinabi ni Galvez na sa mga susunod na araw ay nasa bansa ang grupo ng U.S. Coast Guard, dala ang isa pang C-5 na pinakamalaking airlifter ng U.S. Air Force.

“We are looking forward to the arrival of the entire U.S. Coast Guard contingent for the additional technical support in our disaster response operations. Although, one US C-17 with equipment (60K loader) already arrived this morning and is now at Subic Air Base. Another C-5 is expected to arrive tomorrow,” paglilinaw ng opisyal.

National

‘They cannot do better!’ Apo nina Ninoy at Cory, nag-react sa bagong PH banknotes

Bukod sa pagiging OIC ng DND, chairman din ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) si Galvez.

Matatandaang nagkaroon ng oil spill sa Oriental Mindoro na ikinaapekto ng mga lugar sa Batangas, Antique at Palawan, matapos lumubog ang MT Princess Empress sa karagatan ng Naujan nitong Pebrero 28 habang naglalayag papuntang Iloilo.

Karga ng oil tanker ang 800,000 litrong industrial fuel oil nang maganap ang insidente.