Inanunsyo ng GMA Network na mapapanood na sa Abril ang isa sa mga pinakabonggang produksyon ng Kapuso station, ang pinakaaabangang "Voltes V Legacy" na pagbibidahan ni Miguel Tanfelix, Radson Flores, Matt Lozano, Raphael Landicho at Ysabel Ortega sa direksyon ni Mark Reyes.

Ito ay adaptation ng Pilipinas sa Japanese anime television series na napanood din sa GMA Network noong 90s, produced by Toei Company at Sunrise.

"Voltes V: Legacy will be presented in full 5.1 surround sound cinematic experience. Bago mag-umpisa 'yong series, you can get to see Voltes V in all his height, the big fights and the Beast Fighter, the epic skull ship in cinematic form," pahayag ni Direk Mark.

Inanunsyo na rin ng opisyal na Facebook page ng SM Cinema ang showbing ng Voltes V Legacy sa kanilang mga sinehan sa darating na Abril 19, 2023.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Be one of the first to see the brave Voltes Team and their super robot battle the evil Boazanian Forces in theaters on April 19! Catch it in the big cinema screen even before the airing of the much awaited TV series," ayon sa kanilang caption.

History ito sa Philippine television dahil ito ang kauna-unahang action-fantasy series na maipapalabas muna sa sinehan bago tuluyang mapanood sa telebisyon.

Kadalasan kasi, ang mga serye muna ang natatapos bago mapanood sa pelikula, kagaya ng "Mulawin" at "Encantadia" na pinagsama na.

Siyempre, sa ABS-CBN naman, ang mga teleserye nila ay naging pelikula na rin gaya ng "Mara Clara," "Esperanza," at "Mula sa Puso."