Magkakaroon ng bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sa pagtaya ng DOE, aabot sa ₱1.50 ang itatapyas sa presyo ng kada litro ng diesel habang aabot naman sa ₱1.20 ang ibabawas sa presyo ng bawat litro ng gasolina.

Inaasahan namang bababa hanggang ₱2 ang presyo ng kada litro ng kerosene.

Ipatutupad ang price adjustment sa Marso 28 dahil na rin sa paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.